|
||
|
Ang Kapitalismo ay Nangangailangan ng Digmaan Tanging ang Rebolusyonaryong Pakikibaka ng mga Uring Manggagawa ang Makakapagpigil dito Il Partito Comunista Internazionale, n.432, 2025 (Il capitalismo ha bisogno della guerra - Solo la lotta rivoluzionaria della classe lavoratrice vi si può opporre) |
Ang mga kahabag-habag na mga pahayag ni Trump, na siya namang sinusundan ng mga pinuno ng Europa, ay nailantad ang ilan sa mga kasinungalingan at guniguni na ilang dekada nang pinapalaganap ng mga burgis sa buong mundo, kasama ang kanilang mga makakanan at "makakaliwang" partido, upang itago ang bangis ng kapital, na ngayon ay nagdadala lamang ng kamatayan at pagkawasak:
- Ang pandaigdigang batas ay isang kathang-isip; ito ay karapatan lamang ng mga malalakas.
- Sa kapitalismo, ang digmaan ay isang pangangailangang pang-ekonomiya: ang kapitalismo at kapayapaan hindi maaring magkatugma.
Si Trump ay hindi mas matalino o mas tanga o mas baliw sa kanyang mga sinundan. Ibinubunyag niya lamang ang tunay na mukha ng kapitalismo: ito ay isang anonimong halimaw na nagbabanta sa buong sangkatauhan! Hindi si Trump ang may kapangyarihan, kungdi ang hugnayang industrya-pinansyal, hawak ng uring burgis, na siyang ginagamit ang mga makinarya ng estado upang ipagtanggol ang kanilang mga interes. Ito ay totoo sa Estados Unidos at sa lahat ng mga estado sa mundo: lahat ng mga rehimeng burgis ay siyang kalaban ng uring manggagawa. Ito ay totoo anuman ang ideolohiya or anyo ng pamahalaan na ginagamit nila bilang balatkayo: mula sa "demokrasya", patungo sa huwad na sosyalismo tulad ng sa Tsina o Venezuela, hanggang sa teokrasya ng mga ayatollah sa Iran o sa "Estadong Hudyo" sa Israel.
Ang mga burgis mismo ay hindi maaring "magpasya" ng kahit ano dahil ang mga patakaran nito ay ipinapataw lamang dito ng mga krisis ekonomiko ng sobrang produksyon sa pandaigdigang kapitalismo. Lahat ng mga pambansang kapitalismo at sektor ng industrya ay inaatake at natatabunan ng deka-dekada ng sobrang kapasidad: ang Europa, Estados Unidos, Tsina, at lahat ng mga mas maliit na burgis ay kinakailangang bahain ang mundo kalakal na hindi nila maaring ibente sa kanilang mga pambansang hangganan, na siyang tatama sa kanilang mga katunggali.
Ang Estados Unidos, bilang pinakamalaking sistema ng kapitalismo sa mundo, ay ang pinaka-bulnerable sa krisis ekonomiko dahil lalo itong mahihirapang mapanatili ang kanyang pandaigdigang pangingibabaw. Sa kasalukuyan, ang burgis ng Estados Unidos ay kinakailangang magbawas ng gastusin at ipasa ang bayarin sa kanilang mga "kakampi". Binabawi na nila ang "makataong tulong" na dati ay isang kapani-pakibang na instrumento ng pandaigdigang katiwalian. Napipilitan silang hubarin ang mga aparato ng estado ng mga "labis" na kayamanan (edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, tulong panlipunan), binabawasan ito sa tunay nitong kakanyahan bilang makina ng pang-aapi sa uring manggagawa.
Ang patakarang ipinapataw ngayon sa Estados Unidos ay hindi "isolasyonismo", na, bagama’t nasa interes ng pambansang kapitalismo na ito, ay magdadala ng pandaigdigang kapayapaan. Sa halip, ito ay ibang uri ng pagpapalitan ng mga pwersa ng US, pagtitipon ng mga nito sa Indiya-Pasipiko, isang teatro pangunahing estratihikong interes, sa kapinsalaan ng Atlantiko at Europa. Ito ay nagsisilbing paghahanda sa digmaan laban sa umuusbong na imperyalismong Tsino, sa makabagong dibisyon mga pandaigdigang pamilihin.
Ang pagpataw ng mga taripa sa mga inaangkat — na siya ring bahagyang nakakapinsala sa kapitalismo ng Amerika, ngunit mas nakakasakit sa mga katunggali nito — ay isang desperadong patakaran, isang digmaang pangkabuhayan-pangkalakalan na naghahanda para sa digmaan sa pamamagitan ng mga armas. Inuulit ng kasaysayan ang sarili nito: ang proteksyonismo ng lahat ng mga estado ay siyang nauna Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang "ginintuang panahon" na ipinapangako ni Trump ay magiging isa na magdudulot ng mga luha at dugo para sa uring manggagawang Amerikano, isinakripisyo upang mailigtas ang tubo at pribelehiyong panlipunan ng mga burgis bilang paghahanda sa digmaan.
Ngunit hindi ang mga rehimeng burgis na nakikipagtunggali sa US ang maglilitas sa pandaigdigang uring manggagawa mula sa Ikatlong Imperyalistang Digmaan. Ang isang mapayapa at multipolar na mundo sa ilalim ng kapitalismo ay isang kasinungalingan lamang.
Dahil sa krisis na ito, lalong hindi makapagbenta ng iba pang mga kalakal, ang mga burgis ng lahat ng mga bansa ay itinatapon ang kanilang mga sarili sa industriya ng digmaan. Ang biyahe patungo sa muling pag-aarmas ay bumibilis. Ang Unyong Europeo, matapos ang deka-dekadang pagpipilit sa mga mga manggagawa na higpitan ang kanilang sinturon sa pagpapanggap ng pagbabawas ng utang, ngayon ay pinapahayag ang kanilang kanaisan na malubog hanggang leeg sa utang upang makapagpagawa ng mga armas! Higit sa mga huwad na ideolohikal na oposisyon, lahat ng mga estadong burgis ay may interes na pamuhunan ng napakalaking halaga ang pagawa digmaan upang maibsan ang krisis at maghanda para sa digmaan. Dahil dito, lahat sila ay may iisang interes sa pangunguna sa mga manggagawa patungo sa digmaan, kinukumbinsi sila na ang kaaway ay hindi kapitalismo, simula sa sarili nilang rehimeng burgis, kundi isang "kaaway" na alyansa. Sa layuning ito, mahalagang itanim ang mga manggagawa sa makabayang ideolohiya.
Ang Unyong Europeo ay hindi lamang reaksyunaryo, kungdi imposible — tulad ng iginiit ni Lenin noong pang 1915 — dahil ang burgis ay kailanman hindi papakawalan ang kanilang mga pambansang interes. Walang ganyang imperyalismong Europeo, kundi ang isang alyansa sa pagitan ng ilang mga imperyalismong Europeo: sa 800 na bilyong euro planong muling pag-aarmas sa loob ng apat na taon, 650 na bilyong euro ang dapat ilaan sa mga pambansang hukbo. Ang pagkamakabayan - na ngayon ay tinatawag na "soberanya" - ay siya lamang kabilang panig ng kasinungalingang ideolohikal ng Unyong Europeo. Ang "multipolar" na Europe ng "soberanya" ay sisipsipin sa puyo ng Ikatlong Pandaigdigang Imperyalistang Salungatan, gaya ng naganap na sa dalawang pandaigdigang salungatan noong ika-20 siglo, sa ilalim ng panggigipit ng parehong pangkabuhayan at pampulitika na mga nagtatakda na nagtutulak sa Unyong Europeo na armasan ang sarili nito ngayon. Ang mga partidong burgis na kontra-EU na ngayon ay nagbabalot sa kanilang sarili sa pasipismo ay bukas magiging kasing init ng mga partidong maka-EU at Trump ngayon.
Ang tanging puwersa na makakapigil sa digmaan ay ang uring manggagawa na nagkakaisa sa mga pambansang hangganan, tumatangging magbuhos ng dugo sa pagtatanggol sa sariling bayan. Para sa mga manggagawa, walang pagkakaiba kung sila ay pinagsasamantalahan at inaapi ng sarili nilang pambansang burgis o ang burgis ng ibang bansa. Ngunit tiyak na mas mainam na labanan ang kanilang sariling digmaang panlipunan, na may malalakas na welga, hanggang sa punto ng rebolusyon, laban sa anumang burgis sa kapangyarihan, pambansa o dayuhan, kaysa mamatay ng daan-daang libo sa mga
harapan ng digmaan sa pagitan ng mga kapitalistang estado, sa mga larangan ng digmaan, at sa ilalim ng pambobomba.
Ang tunay na Partido Komunista ay nagnanais at nagtataguyod ng pagkatalo militar ng sarili nitong estadong burgis sa imperyalistang digmaan dahil tinatapos nito ang patayan ng digmaan, dahil ang proletaryong pagkatalo sa preteng tahanan, na may mga welga sa mga pabrika at sa mga sundalo, ay humahawa at napagkakaisa ang mga unipormeng manggagawa sa buong harapan, dahil ang pagkatalo ng militar ay nagpapahina sa sarili nitong burgis at siyang nagpapalakas sa rebolusyon.
Para mapigilan o matigil ang imperyalistang digmaan, dapat na organisado ang uring manggagawa. Nangangahulugan ito ng pag-oorganisa sa sarili sa malakas na mga unyon na nakabatay sa uri na nagkakaisa sa mga pakikibaka ng mga manggagawa sa lalong malawak at malalakas na welga na naglalayong ipagtanggol ang sahod at bawasan ang bilis at haba ng araw ng trabaho. Ang mga batayang kahilingang ito ng proletaryado ay hindi makabayan dahil sinisira nito ang pambansang kapitalismo at ang pagiging mapagtunggali nito.
Ang pagtatanggol sa iyong mga pangkabuhayang interes ngayon sa pamamagitan ng pakikibaka ng unyon ay nangangahulugan na ikaw ay nasa landas na maghahatid sa iyo upang ipagtanggol ang iyong pampulitikang interes bukas, laban sa militarismo at digmaan ng mga burgis.
Maaasahan natin ang opisyal na mga pederasyon ng unyon ng lahat ng bansa, na umaayon sa kanilang mga burgis na amo sa bawat bansa, na nagtataas ng mga kontra-proletaryong bandila ng pagkamakabayan at multipolar na kapitalismo, na mangunguna sa mga manggagawa sa katayan ng inter-imperyalistang digmaang pandaigdig at ang burgis na alitan sa mga teritoryo at hangganan.
Ang labanang unyonismo, upang muling buuin ang lakas ng kilusang unyon ng uring manggagawa at palayain ang mga manggagawa mula sa pamamahala ng mga unyon ng rehimen, ay dapat kumilos nang nagkakaisa sa mga pakikibaka sa lahat ng larangan, para palakasin at pag-isahin sila, at isulong ang pakikibaka laban sa digmaan para sa pandaigdigang pagkakaisa ng mga manggagawa.
- Pagkakaisa sa mga manggagawa ng lahat ng bansa!
- Laban sa lahat ng Amang Bayan!
- Digmaang uri laban sa imperyalistang digmaan!