|
||
|
Para sa Uring Pagtutol sa Militarismo (For class antimilitarism, The International Communist Party, #62, 2025) |
Ang kapitalismo ay ang walang katapusang pagpaparami ng kapital; ang layunin ng produksiyong kapitalista ay ang kapital mismo. Ang pagtaas ng produksiyon ng kalakal nang higit pa sa anumang likas na hangganan, sa napakabilis na tulin, ay hindi nagdudulot ng mas mabuting kapakanan para sa sangkatauhan, kundi nagbubunga ng serye ng mapaminsalang krisis ng labis na produksiyon na sumisira sa buhay panlipunan sa buong planeta. Sa mga krisis na ito – na tinanggihan sa loob ng maraming dekada ng mga teoristang burgis, at pinaniniwalaang hindi maiiwasan ng tunay na Marxismo – ang uring manggagawa ang unang biktima, na nagpapasan ng bigat ng kawalan ng trabaho, pagbaba ng sahod, at pagpapaigting ng mga pasanin sa trabaho.
Para sa kapitalismo, ang digmaan ay ang kinakailangang kahihinatnan ng pana-panahong krisis nito sa labis na produksiyon. Ang digmaang kapitalista ay, samakatuwid, hindi maiiwasan. Tanging ang napakalaking pinsalang dulot ng mga kasalukuhang digmaang pandaigdig ang nagpapahintulot sa kapitalismo na muling simulan ang impiyernong siklo nito ng pagbubuo muli at akumulasyon.
Ang mga imperyalistang digmaang pandaigdig ng ating panahon – bagaman laging nakatago sa likod ng mga tabing na "makatao", "demokratiko", "pasipista", "depensibo", "laban sa terorismo" – ay lubhang kailangan ng iba’t ibang kapitalismo upang paghati-hatian ang mga ubos nang pamilihan, upang hatiin ang mga kontinente sa pagitan nila. Samakatuwid, sila ay mga digmaan para sa pagpapanatili ng kapitalismo; kapwa sa larangang pang-ekonomiya at dahil na rin sa nagbibigay-daan ang mga ito, sa panahon ng krisis, para sa pag-aalis ng bahagi ng lakas-paggawa na lumampas sa nabawasang kapasidad ng sistema ng produksiyon na gamitin ito. Sa katunayan, ang mga ito ay malalaking pagpatay sa mga alipin na hindi kayang suportahan ng kapital sa panahong iyon. Digmaan o himagsikan lamang ang alternatibo, wala nang ibang ruta.
Ang rebolusyonaryong tindig-komunista hinggil sa digmaan ay ang pagtuligsa sa kaisipan na ang kapayapaan ay tugma sa kapitalismo bilang isang trahedyang ilusyon, at ang pagpapatunay na tanging ang pagpapabagsak sa kapangyarihan ng mga burgis at ang pagwasak sa mga relasyon ng produksiyon na nakabatay sa kapital ang magpapalaya sa sangkatauhan mula sa paulit-ulit na trahedyang ito. Alinsunod sa linya nina Marx at Lenin, ipinapahayag ng partido ang mga taktika ng anti-militarismong uri, ng pagkakapatiran sa mga front, ng rebolusyonaryong pagtanggap sa pagkatalo sa harap at sa likuran; na naglalayong gawing digmaan sa pagitan ng mga uri ang digmaan sa pagitan ng mga Estado.