|
||
|
Israel-Iran Paghahanda sa Pandaigdigang Digmaan (Israele-Iran: Prove di scontro mondiale, Il Partito Comunista Internazionale, n.434, 2025) |
Ang pamahalaan ng Israel ay pinangatwiranan ang kanilang pagatake sa Iran bilang pagpipigil sa pagkuha nito ng mga armas nukleyar. Isang depensibong digmaan kung gayon?
Ngunit ang teatro ng digmaan at ang mga sanhi nito ay hindi matatagpuan sa Iran o Israel, o maging sa buong Gitnang Silangan. Ito ay ang hindi maibabalik na krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa kanyang huling yugto na nangangailangan ng digmaan para sa kanyang kaligtasan. Ang pag-atake ng Estado ng Israel laban sa Iran ay isa lamang pangunang eksperimento at pag-asa nito. Ganoon din ang masaker sa Gaza.
Totoo na ang lahat ng anyo ng kapitalismo, lahat ng estado, ay dapat nang ipagtanggol ang kanilang sarili. Dapat nilang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa krisis sa ekonomiya at pananalapi, laban sa kumpetisyon sa mga pamilihan, laban sa galit na galit na muling pag-aarmas ng kanilang mga karibal. Ngunit higit sa lahat, dapat nilang ipagtanggol ang kanilang sarili, sa pangkalahatang antas ng kasaysayan, laban sa kanilang karaniwang dakilang kaaway, ang pandaigdigang uring manggagawa. Ang uri na iyon, na ngayon ay halos hindi na masilayan, ngunit siyang tagapagdala ng komunismo, ng rebolusyon.
Ngayon ay hindi ito nababatid, maliban sa partido nito, na nangangalaga sa tiyak na hinaharap nito.
Ngunit ang pamahalaan ng Israel, tulad ng lahat ng iba pa sa mundo, ay nagtatanggol sa kapital, hindi sa mga tao nito. Sila ay isinasakripisyo at ibinibigay ni Netanyahu sa utos ng mga kapitalista sa Wall Street.
Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang pukawin ang pagbagsak ng rehimeng Ayatollah at palitan ito ng isa pang mas tumutugon sa mga interes ng Washington sa pakikipaglaban hanggang kamatayan nito sa karibal na imperyalismong Tsino: upang putulin ang mga ruta nito sa langis at sa Gitnang Asya.
Ang proyektong ito, bukod dito, ay nagdudulot ng malubhang pag-aalala sa iba pang mga estado sa rehiyon, lalo na ang mga kaharian ng Gulpo, na natatakot sa isang pagbabakante ng kapangyarihan na imposibleng namang mahulaan kung paano ito mapupunan.
Ang pagbagsak ng rehimen ni Saddam Hussein sa Iraq ay isang halimbawa ng patakarang ito ng paghahasik ng kaguluhan at pagkawasak, na may mapangkaluray na epekto sa mga katauhan, ngunit gayundin sa mga estado. Ang pagbagsak ng rehimeng Iraqi, na ipinataw ng Estados Unidos, ay nagpabagsak sa isang estado na sumalungat sa pagpapalawak ng Iran patungo sa Mediteraneo, at tiyak na hindi pumabor sa Israel. Tumagal ng dalawampung taon ng tuloy-tuloy na mga digmaan at masaker upang wasakin ang Sirya, Lebanon, Gaza, at ang Kanlurang Pampang. At sa anong paraan!
Ang pang-iwas na digmaan na isinagawa ng Israel, na nagtataglay din ng bomba atomika at hindi kailanman pinahintulutan ang mga inspeksyon ng mga plantang nukleyar nito, na inaprubahan ng lahat ng mga bansang Kanluranin, ang parehong mga bansa na kinondena
ang pag-atake ng Rusya sa Ukranya, na nagbigay-katwiran din dito bilang depensiba laban sa pagpapalawak ng NATO sa Silangan.
Ang pandaigdigang batas ay walang iba kundi isang panlilinlang at isang ilusyon. Ang mga imperyalismo ngayon ay naghaharap lamang sa isa’t isa sa antas ng ipinakalat na puwersa, muling pag-aarmas, at digmaan.
Tayong mga komunista ay walang puwang sa panig ng Israel o Iran o alinman sa parehong mabangis, militaristiko, konra-manggagawa, at konra-komunistang mga prente ng pandaigdigang imperyalismo.
Ang proletaryado ng Iran ay walang dahilan upang magpakita ng pakikiisa sa mga nagsasamantala at nang-aapi dito, na dumanas ng ilang dekada ng walang awa na pang-aapi ng isang rehimeng burgis na pumapatay at nagpapakulong sa mga pinakamatapang na pinuno ng mga manggagawa at nagpadala ng milyon-milyong kabataang proletaryo na mamatay sa harapan sa digmaan laban sa Iraq.
Sa sitwasyong ito, ang proletaryado ng Iran ay dapat kumuha ng isang konra-kapitalistang posisyon, malaya sa pulitika sa lahat ng partidong burgis, kapwa sa gobyerno at sa oposisyon: walang hilig sa demokratiko, sekular, o kahit na monarkiko na mga alternatibo sa rehimen ng mga sasardote.
Sa lahat ng bansa, ang tungkulin ng uring manggagawa ay palakasin ang mga organisasyon nito para sa pagtatanggol sa ekonomiya, isali ang babaeng proletaryado sa pakikibaka para sa pagpapalaya ng mga manggagawa, tanggihan ang anumang apela sa pambansa, pangrelihiyon, o pangetnikong pagkakaisa sa mga naghaharing uri.
Tanging ang muling pagtaguyod ng rebolusyonaryong Partido Komunista at ang pagtugis ng pandaigdigang komunistang rebolusyon ang makapagpapatigil sa pagsasamantala, karahasan, at digmaan.